Kumilos na ang Presidential Task Force on Media Security upang imbestigahan ang pagpatay sa kolumnista at radio commentator na si Joaquin “jun” Briones sa barangay Bacolod, Masbate.
Ayon kay Undersecretary Joel Egco, Executive Director ng Task Force on Media Security, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police para bumuo ng task group dahil sa paniwalang may kinalaman sa trabaho ang pagpaslang kay Briones.
Pinakilos na rin ng palasyo si Task Force USIG Acting Head, Senior Supt. Eder Collantes upang tutukan ang kaso ni Briones at alamin ang motibo sa krimen.
Ang biktima ay nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan mula sa hindi nakilalang salarin na sakay ng motorsiklo noong Lunes ng umaga.
Ang pagpatay sa mamamahayag ang ika-18 kasong inaksiyunan ng task force simula October 2016.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping