Patay ang isang death row convict matapos niyang malaman na hindi na siya bibitayin.
Kinilala ang nasawi na si alyas Akbar, 55 anyos.
Ayon sa mga otoridad, sobrang natuwa si Akbar matapos pagkalooban ng pardon ng gobyerno dahil na rin pagpapatawad ng pamilya ng biktima.
Gayunman, inatake sa puso ang preso na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nabatid na matagal nang natatakot ang bilanggo sa parusang bitay matapos siyang makapatay labingwalong taon na ang nakalilipas. —sa panulat ni Mara Valle