Talagang pinaghandaan umano ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang mga magiging press conference sa Estados Unidos para sa laban nila ni World Boxing Organization Welterweight Champion Timothy Bradley.
Ayon kay Congressman Pacqiuao, kasama iyon sa mga ikinonsidera niya bago magdeklarang tatakbo sa pagka-senador.
May pag-uusap na umano ang panig ni Pacquiao at mga supporters niya upang hindi mawala ang 8-division World Champion sa political spotlight.
Isasagawa ang presscon sa Enero 29 sa Beverly Hills Hotel, Beverly Hills, California, habang Enero 21 naman sa The Theatre sa Madison Square garden, New York.
By: Avee Devierte