Isasagawa sa September 8 hanggang 10 sa Los Angeles, California, USA ang press conference para sa comeback fight ni Senador Manny Pacquiao.
Ayon sa Canadian adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, gagawin nila ang promotion kapag bumalik na sa Pilipinas ang Senador upang gampanan ang kanyang mga tungkulin.
Una nang inihayag ni Pacquiao na nasasabik na itong bumalik sa boxing ring.
Passion, aniya, nito ang boksing at nami-miss na niya ang mga ginagawa sa gym maging sa kanyang mga laban.
Ipinaliwanag ni Pacquiao na lalaban muli siya upang kumita dahil hindi, aniya, siya maaaring umasa na lamang sa kanyang tinatanggap bilang public servant.
Gayunpaman, tiniyak ni Pacquiao sa mga constituent nito na hindi makaapekto ang kanyang laban sa trabaho nito bilang Senador.
Matatandaang kinumpirma na ng pambansang kamao ang laban nito kay world boxing organization welterweight title holder Jesse Vargas sa November 5 sa Las Vegas.
By: Avee Devierte/ (Reporter No. 19 )Cely Bueno