Iginiit ng Presidential Task Force on Media Security na buhay na buhay ang press freedom sa bansa.
Kasunod ito nang pagkakaaresto kay Rappler Ceo Maria Ressa sa kasong cyber libel.
Ayon sa task force, isolated case ang nangyari kay Ressa at mayruon namang ibang journalist na nahaharap sa libel charges dahil sa kasong isinulat at dumaan din sa proseso nang pag-aresto, paglagak ng piyansa at sumabak sa paglilitis tulad ng kay Ressa.
Binigyang diin pa ng task force na may mga kaso kung saan isang mamamahayag ay hindi nabigyan ng pagkakataon sa due process sapagkat pinagbantaan ito o kaya naman ay pinaslang.
Sinabi pa ng task force na ang kaso ni Ressa ay pagkakataon para sa dito at sa Rappler na igiit ang kanilang karapatan na makapagprisinta ng ebidensya na makapagsasabing hindi sila guilty sa kasong cyber libel.