Muling iginiit ng China na karapatan nilang ibasura ang abritration na inihain laban sa kanila ng Pilipinas.
Ito’y makaraang batikusin ng Beijing ang anila’y pressure ng Pilipinas sa usapin ng arbitration case na tinawag nilang arogante at hindi makatuwiran.
Ayon kay Chinese Foreign Minister Wang Yi, walang dahilan ang China para makilahok sa arbitration dahil direktang negosasyon ang solusyon para maayos ang problema.
Inaabuso lamang aniya ng Pilipinas ang mekanismo ng International Arbitration upang makuha ang anila’y kanilang teritoryo sa pinagtatalungang West Philippine Sea.
By Jaymark Dagala