Ibinunyag ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza ang aniya’y pag-pressure ng Duterte administration sa mga kongresista para suportahan ang pagbuhay sa death penalty.
Kasunod ito nang pagtawag ni Atienza sa Death Penalty Bill bilang imposition ng Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado nito sa Kamara.
Ayon kay Atienza, hilaw na hilaw ang nasabing panukala subalit pinilit ng komite na maipasa bago sila mag-Christmas break.
Iginigiit naman ni Majority Leader Rodolfo Fariñas na karamihan sa mga miyembro ng ‘super majority’ ay sumusuporta sa naturang panukala.
By Judith Larino