Bumuo na ng sariling transition team si Presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Kasabay ito ng pagbuo ng Presidential Transition Committee (PTC) ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bagong papasok na administrasyon.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, siya ang mamumuno sa binuong transition committee.
Kabilang sa ilang miyembro sina; dating Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo, dating Manila Rep. Naida Angping at South Cotabato Gov. Jun tamayo.
Ang mga nabanggit ay makikipagtulungan sa Malacañang’s Presidential Transition Team na kinabibilangan nina; Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez, Budget Undersecretary Tina Rose Marie Canda at Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua.
Layon ng programa na maging maayos ang turnover ng pamamahala sa bagong Pangulo ng Pilipinas.