Itatalaga ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos bilang kalihim ng Department of Education si Presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ito ang ibinunyag ni Marcos matapos ilatag ang ilan sa mga plano nito sa sandaling opisyal nang maupo bilang pangulo ng bansa.
Sa kanyang talumpati kagabi, inihayag ni BBM Na inuuna nilang pag-usapan ang ilan sa mga critical areas sa susunod na taon kabilang ang ekonomiya, edukasyon at imprastraktura.
Kapag nagkataon si Davao City Mayor Inday Sara ang magiging kauna-unahang appointee sa ilalim ng Marcos administration.
Maka-ilang beses inihayag ng alkalde na sa oras na manalong bise presidente ay makikipag-usap siya sa Kongreso upang isulong ang mandatory military service sa lahat ng tutungtong ng edad na disi otso.