Nananatiling matatag ang suplay at presyo ng karne ng manok sa mga pamilihan sa kasalukuyan.
Ito ang pagtitiyak ng United Broilers Raisers Association batay sa kanilang monitoring sa farm gate price ng mga buhay na manok.
Ayon kay Atty. Elias Jose Inciong, nasa siyamnapu hanggang siyamnapu’t apat na Piso kada kilo ang buhay na manok kumpara sa animnapung piso kada kilo nuong Enero habang ang buhay na sisiw naman ay nagkakahalaga ng tatlumpung piso kada piraso.
Batay sa tala ng National Meat inspection Service, nasa mahigit labindalawang milyong kilo ang kabuuang suplay ng karne ng manok ngayong Abril.
Mahigit tatlong milyong kilo rito ang mula sa lokal na produksyon habang mahigit walong milyong kilo naman dito ang inangkat mula sa ibang bansa.
By: Jaymark Dagala