Nananatiling stable ang supply at presyo ng isda at ilang sea foods sa kabila ng pangambang tumaas ang presyo ng mga ito bunsod ng mainit na panahon.
Sa katunayan sa Commonwealth at Kamuning Markets, Quezon City, bumaba ang presyo ng ilang isda tulad ng galunggong na 120 pesos mula sa dating 140 pesos kada kilo, pusit, 240 pesos mula sa dating 280 hanggang 300 pesos kada kilo at hipon 380 pesos mula sa dating 480 hanggang 500 pesos kada kilo.
Ipinaliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, hindi naman apektado ng tag-init ang mga isda dahil nasa tubig ang mga ito.
Bumaba rin ang presyo ng gulay tulad ng Baguio beans na 80 pesos mula sa dating 120 pesos kada kilo; carrots, 80 pesos kada kilo mula sa dating 100 pesos kada kilo at talong, 60 pesos mula sa dating 80 pesos.
Pinayuhan naman ng BFAR ang mga mamimili na samantalahin ang mababang presyo ng isda ngayong tag-init dahil tiyak na magmamahal ito sa tag-ulan.
—-