Bahagya ng bumaba ang presyo ng manok habang nabawasan ang supply sa ilang pamilihan sa Metro Manila sa gitna ng bird flu o Avian influenza outbreak sa Pampanga.
Sa Balintawak Market, nasa 120 Pesos kada kilo na ang manok mula sa dating 140 hanggang 150 Pesos kada kilo o bago napaulat ang pagkalat ng bird flu virus.
Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association, nagbawas na ng nasa 40 porsyento ng supply ang kanilang mga miyembro.
Naghahanap naman ang mga store owner ng mga brand na may poultry product na dumaan sa masusing inspeksyon para matiyak na walang bird flu ang kanilang mga itinitinda.
Samantala, nasa 50 porsyento naman ang lugi ng mga wet market sellers tulad sa Balintawak Market sa Quezon City dahil sa takot ng mga mamimili na bumili ng manok. Kahit hindi sa Pampanga nagmula ang kanilang supply.