Patuloy na binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang epekto sa presyo ng agricultural product sa buong bansa.
Ito’y dahil na rin sa pagtaas ng piso laban sa dolyar.
Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista na naaapektuhan din ng dollar exchange rate ang mga magsasaka kung saan gumagamit sila ng gasolina at krudo sa pagbyahe ng kanilang mga produkto.
Nabatid na ilang pamilihan sa Metro Manila ang nagtaas ng presyo ng gulay kasunod ng pananalasa ng bagyong Karding.
Pero, nilinaw ng Evangelista na patuloy pa rin nilang minomonitor ang presyo ng mga gulay, isda at bigas.
Samantala, wala aniyang dapat itaas sa presyo dahil ang kasalukuyang ibinibenta sa merkado ay stock na nabili bago pa man dumating ang naturang bagyo.