Walang shortage sa supply ng asin sa bansa.
Ito ang binigyang linaw ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos aprubahan ang pagtataas ng Suggested Retail Price (SRP) ng naturang produkto.
Sa inilabas na price bulletin noong Agosto a-12, nasa 21 pesos 75 centavos na ang SRP para sa 500 grams ng iodized rock salt, at 23 pesos naman para sa isang kilo.
Binigyang-diin ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, anim na taon nang hindi gumagalaw ang presyo ng asin sa bansa.