Lumobo na ang presyo ng asukal sa mga palengke at supermarket.
Mula sa dating P55 kada kilo ng putting asukal mabibili na ito sa P56 hanggang P60 kada kilo.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration, ito ay dahil sa nabawasang produksyon dahil sa nararanasang El Niño.
Inaasahang mag aangkat na ng asukal sa susunod na mga buwan.
Kaugnay nito, kung magpapatuloy ang pagsirit ng presyo ng asukal ay inaasahang susunod na rin ang presyo ng mga softdrinks, fruit juices at iba pang nangangailangan pampatamis.
Sibuyas
Tumaas ang presyo ng ilang sibuyas sa merkado matapos na atakihin ng army worm o harabas ang ilang taniman ng sibuyas sa Nueva Ecija.
Ayon sa ulat, apektado na ng peste ang 400 ektarya ng sibuyas sa ilang bayan sa nasabing probinsya.
Dahil dito, mabibili na sa P60 ang kada kilo ng sibuyas mula sa dating P40 hanggang P50.
May naitala ring paggalaw sa presyo ng mantika kung saan naitala ang P5 hanggang P10 dagdag sa kada litro ng mantika.
By Rianne Briones