Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration o SRA na nananatiling sapat ang suplay ng asukal sa buong bansa.
Ito ang dahilan kaya’t bumaba na ng P1 ang kada kilo ng asukal sa mga pamilihan mula nang sumipa ang presyo nito noong Abril.
Ayon kay SRA Administrator Ma. Regina Bautista – Martin, mabibili na lamang sa P45 pesos ang kada kilo ng brown sugar mula sa dating P47 pesos noong Mayo.
Nasa P48 pesos naman ang kada kilo ng washed sugar mula sa dating P49.44 pesos habang nasa P52 pesos na lamang ngayon ang presyo ng refined sugar kumpara sa P53 pesos average price nito.
Sinabi pa ni Martin na Hunyo 9 pa ibinaba ng mga sugar millers ang kanilang presyo ng asukal sa Metro Manila ngunit, ngayon lamang ito mararamdaman ng mga mamimili.
By Jaymark Dagala