Sumisipa na rin ang presyo ng washed at brown sugar na ngayo’y nasa 90 pesos na kada kilo.
Kasunod na rin ito nang paglilibot ng DWIZ patrol sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Pasig City Public Market, nasa 90 pesos kada kilo ng washed at brown sugar, 88 pesos ang light brown sugar samantalang nasa 102 pesos ang kada kilo ng white sugar.
Umaabot naman sa 92 pesos ang kada kilo ng washed sugar sa Marikina Public Market.
Samantala, dahil sa mataas na presyo ng kada kilo ng puting asukal, marami na umano sa mga nagtitinda nito ay hindi na muna nagbebenta ng ganitong klase ng asukal.
Nangangamba rin ang mga nasabing nagtitinda na sumirit pa ang presyo ng asukal matapos mag abiso ang ilang supplier sa posibleng dagdag presyo pa ng asukal sa mga susunod na araw.