Tiwala ang pamahalaan na babalik agad sa normal ang presyo ng asukal.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), mangyayari ito sa oras na umangkat pa ng asukal ang pamahalaan mula sa ibang bansa.
Maliban dito, inaasahang darating na rin ang 200 metric tons o 4M bags ng asukal na mula sa mga bansang China at Vietnam sa susunod na buwan.
Matatandaang pumalo kasi sa halos P3,000 ang presyo ng kada sako ng puting asukal mula sa dating P1,700 at P2,700 sa kada sako ng pulang asukal na mula sa dating P2,000.
Paliwanag ng mga nasa industriya, nasira kasi ng nagdaang bagyong Odette ang isa sa pinakamalaking sugar refinery sa Negros.