Nagsisimula na umanong bumaba ang presyo ng asukal sa gitna nang pagdating ng 150,000 metric tons na imported sugar at nagpapatuloy na milling season ng local producers.
Inihayag ni Pablo Luis Alcoza, Sugar Planters Representative sa Sugar Regulatory Administration Board na nararamdaman na ng buong merkado ang pagbabago ng demand at supply, lalo’t nasa “peak” na ng milling season.
Ayon kay Alcoza, posibleng maglaro sa P90.00 ang presyo ng refined sugar, P80.00 sa washed habang P70.00 sa brown sugar.
Maaari anyang sa Huwebes ay mabatid kung talagang nag-stabilize ang presyo ng asukal o walang ipinagbago.
Batay sa datos ng Department of Agriculture noong Oktubre, nasa P100.00 ang kada kilo ng primera o refined sugar; P75.00 sa segunda o washed sugar at P80.00 ang brown sugar sa Metro Manila.