Nananatili sa 100 pesos kada kilo ang presyo ng asukal sa Metro Manila.
Sa kabila ito ng pagdagsa ng imported at lokal na asukal sa merkado, kasabay ng panahon ng anihan.
Batay sa datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), nananatili sa 115 pesos kada kilo ang presyo ng refined sugar, mas mababa kumpara sa peak retail price nito na 134 pesos kada kilo.
Naglalaro naman sa 70 hanggang 115 pesos ang retail price ng refined sugar.
Una rito, sinabi ng SRA na magiging matatag na ang presyo ng asukal sa merkado dahil sa pagdagsa ng suplay nito.