Patuloy na tinututukan ng Department of Agriculture ang supply at presyo ng asukal sa pamamagitan ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Sa gitna ito nang muling pagtaas ng presyo sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, kabilang din sa kanilang mino-monitor ang nagpapatuloy na anihan maging ang distribusyon sa mga palengke.
Gayunman, ayaw din naman nilang labis na magmahal ang asukal partikular ang retail price nito dahil magiging issue ito at papasok ang gobyerno na pupuwersa sa mga magsasaka na magbaba.
Aminado naman si Pablo Azona, kinatawan ng Planters Group sa SRA na mga middleman ang nagpapataas sa presyo na nagdaragdag ng P28 sa white sugar habang P18 hanggang P20 sa brown sugar.