Plano ng Department of Agriculture na magpataw ng Suggested Retail Price na P90 per kilogram sa asukal.
Ito’y makaraang umabot na sa mahigit P100 ang kada kilo ng asukal sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay DA undersecretary Kristine Evangelista, nakatakdang pulungin ng kagawaran ang stakeholders ngayong linggo upang talakayin ang pagpapataw ng SRP.
Inihayag naman ni Hermenegildo Serafica, Administrator ng Sugar Regulatory Administration na ang ikinakasang SRP ang isa sa mga “Stopgap” sa pagmahal ng asukal, lalo’t umaaray na ang mga consumer.