Inaasahan ang 70 pesos hanggang 80 pesos na presyo ng kada kilo ng asukal sa pagsapit ng Nobyembre.
Ito ay dahil posible nang dumating sa bansa ang 150,000 metriko toneladang asukal na inangkat sa bansa.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban, magiging matatag na ang presyo ng asukal sa merkado.
Samantala, inaasahan naman na babaha ang nasa tatlong milyong bag ng murang asukal na mapapakinabangan ng mga consumer sa Nobyembre. —sa panulat ni Hannah Oledan