Balik sa P100 o higit pa ang presyo ng kada kilo ng asukal sa ilang palengke sa Metro Manila, bago ang milling season at nakatakdang sugar importation.
Sa price monitoring ng Department of Agriculture, nagmahal ng P11 ang kada kilo ng asukal sa Blumentritt, Maynila, P107 na mula sa dating P96 noong isang linggo.
Nagsimula na ring tumungtong sa P100 ang kada kilo ng refined sugar sa Trabajo Market sa Sampaloc.
Nasa P75 naman ang washed sugar habang P80 ang brown sugar sa ilan pang pamilihan.
Samantala, inaasahang darating sa Nobyembre ang 150,000 metric tons ng refined sugar na inimport ng bansa upang mapunan ang kakulangan ng supply at mapababa ang presyo.