Muling nagtaas ang presyo ng asukal sa merkado dahilan para umaray ang ilang mga mamimili.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration, walang dahilan para magmahal ang asukal na isa sa pangunahing ginagamit na sangkap sa pagluluto ng mga Pinoy partikular na ang paggawa ng panghimagas.
Matatandaang nitong linggo ng Enero ay nagsimulang tumaas ang presyo ng asukal sa ilang pamilihan kung saan, linggo-linggong nagpapatong ng 200 piso kada sako.
Ayon sa ilang mga supplier, bunsod ito ng pandemiya at naranasang bagyo kung saan, nabasa ang tone-toneladang mga asukal sa Visayas at Mindanao.
Sa ngayon, nadagdagan ng 10 piso kada kilo ang presyo ng puting asukal habang tatlong piso hanggang limang piso naman ang presyo sa kada kilo ng wash at pulang asukal sa ilang pamilihan. —sa panulat ni Angelica Doctolero