Tumaas na naman ang presyo ng Asukal sa Metro Manila ngayong linggo.
Sa Marikina Public Market, umakyat sa P80 ang presyo ng kada kilo ng white sugar o primera mula sa dating P75; wash, P75 kumpara sa P65 at brown sugar o segunda, P65 mula sa dating P60.
Ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng epekto ng nagdaang Bagyong Odette sa mga Sugar Mill partikular sa Iloilo at Negros Provinces.
Nagdulot kasi ito ng pagbaba ng produksyon ng tubo na ipinoproseso para maging asukal.
Batay sa tala ng DA, papalo sa P10-B ang halaga ng pinsala ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikutura sa Visayas at Mindanao.