Posibleng bumaba sa 60 pesos kada kilo ang presyo ng asukal sa mga palengke ngayong linggo.
Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban dahil maaaring maimpluwensyahan ng murang asukal sa mga supermarket ang bentahan nito sa mga pamilihan.
Matatandaang ibinaba ng ilang supermarket ang presyo ng kada kilo ng asukal sa 70 pesos mula sa 100 pesos hanggang 115 pesos.