Inaasahan na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagtaas ng presyo ng asukal sa bansa.
Sa harap ito ng kakulangan ng asukal sa pamilihan dahil sa Bagyong Odette at iba pang sama ng panahon.
Ayon kay Hermenegildo Serafica, Administrator ng SRA, Pebrero pa nila nakikita ang magiging kakulangan ng asukal dahil sa epekto ng mga bagyo sa plantasyon ng tubuhan.
Posible namang kulangin pa ang suplay ng asukal sa bansa dahil natagalan ang pag-aangkat kasunod ng temporary restraining order ng sugar producers.
Sa mga pamilihan, tumaas na ng P10 ang presyo ng asukal.