Tumaas ang presyo ng asukal sa mga pamilihan sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Nabatid na mula sa dating 1, 500 hanggang 1, 700 pesos, pumalo na sa 3,250 pesos ang kada sako ng asukal na puti.
Mula sa dating 2,000 pesos, maglalaro naman sa 2,700 pesos hanggang p3,000 pesos ang kada sako ng asukal na pula.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), nagkulang ang suplay ng asukal matapos masira ang ilang sugar refinery sa Negros dahil sa mga nagdaang bagyo.
Dahil dito, posibleng umabot ng tatlong buwan ang itatagal sa mga stock ng raw sugar at halos dalawang buwan naman para sa refined sugar bago dumating ang susuod na tonelada ng mga asukal na aabot sa apat na milyong sako mula sa China at Vietnam.