Bumagsak ang presyo ng baboy sa ilang pamilihan matapos na mapabalita ang sunod – sunod na pagkamatay ng mga baboy sa ilang lugar sa bansa.
Ayon sa ilang tindero, bumagsak sa 175 hanggang 190 ang presyo ng karneng baboy gayong pumapalo ito sa 210 hanggang 230 pesos bago pa ang balitang pagkakasakit ng mga baboy.
May ilan namang mamimili ang tumigil muna sa pagbili at pagkain ng karneng baboy dahil sa takot.
Sa kabila nito, sinabi ng DA na sapat ang suplay ng baboy sa merkado kaya hindi dapat na magkaroon ng paggalaw sa presyo nito.