Asahan na ang pagtataas ng presyo ng karne ng baboy sa mga susunod buwan.
Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, ito’y dahil sa pagtaas ng demand ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.
Paliwanag pa ni PPFP President Rolando Tambago, kahit na mababa ang farmgate price ng baboy, kapag nakarating na ang produkto sa merkado sa pamamagitan ng mga trader at retailer, maaari itong ibenta ng 380 pesos hanggang 400 pesos.
Gayunman, umaasa pa rin ang pro-pork na hindi malaki ang itataas ng presyo ng baboy.
Samantala, tiniyak naman ni Tambago na sapat pa rin ang supply ng baboy, dahil mababa ang demand para dito noong mga nakaraang buwan dahil sa African Swine Fever (ASF).