Patuloy pa ring tumataas ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin sa ilang pamilihan sa kabila ng umiiral na price freeze dulot na rin ng sunud-sunod na kalamidad sa tumama sa bansa.
Batay sa monitoring ng laban Konsyumer Inc. sa Commonwealth market sa Quezon City, nasa beinte hanggang kuwarenta pesos ang itinaas sa kasa kilo ng kasim.
Nasa P30.00 naman ang itinaas kada kilo ng bangus habang nasa P10.00 ang itinaas sa kada kilo ng tilapia.
Naglalaro naman sa P20.00 hanggang P50.00 ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng kamatis habang nasa P50.00 din ang itinaas sa kada kilo ng bawang.
Naglalaro rin sa P20.00 hanggang P70.00 ang itinaas sa kada kilo ng silibing berde habang nakapako naman sa halos P1,000 ang presyo ng siling labuyo.