Hindi itataas ang presyo ng baboy at ng manok sa Metro Manila.
Ito ang binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) sa panawagan ng mga hog raisers at vendors na itaas ang price ceiling na ipinatutupad ng gobyerno.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mananatiling 300 ang baboy habang 160 naman ang presyo ng manok.
Mananatili ang implementasyon na ito hanggang a-8ng Abril sa ilalim ng executive order 124 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag ni dar, hindi itataas ang presyo ng baboy at manok dahil sa patuloy na pananalasa ng African swine fever (ASF) sa bansa.
Bukod dito, maraming tindera at tindero ang nagtakda na ng kanilang sariling presyo na mas mataas sa ipinapatupad na price ceiling. —sa panulat ni Rashid Locsin