Nananatiling mataas ang preyso ng karne ng baboy sa mga pamilihan kasabay ng inilabas na bagong suggested retail price (SRP) para rito ng Department of Agriculture (DA).
Batay sa administrative circular number 14 ni Agriculture Sec. William Dar, nasa P280 kada kilo ang SRP sa liempo mula sa dating P250 kada kilo.
Habang nasa P260 per kilo na ang SRP para sa kasim mula sa dating P230 per kilo.
Gayunman, batay sa monitoring ng DA sa Commonwealth Market, naglalaro sa P300 hanggang P320 ang kada kilo ng liempo habang nasa P280 naman ang presyo ng kada kilo ng kasim na lagpas sa itinakdang SRP.
Naglalaro naman sa P340 ang kada kilo ng liempo habang nasa P290 naman ang kada kilo ng kasim sa Mega Q Mart sa Quezon City pa rin.
Giit ng mga tindera sa mega QMart, wala silang mapagkunan ng maayos na suplay ng karneng baboy dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito makaraang manalasa sa bansa ang African Swine Fever (ASF).