Muling sumipa ang presyo ng baboy sa mga palengke sa Metro Manila.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Balintawak Market sa Quezon City at Pasig Mega Market, nasa 330 pesos na per kilo ang liempo mula sa dating 270 pesos; kasim at pigue, 310 pesos per kilo kumpara sa dating 250 pesos per kilo.
Isa sa mga itinuturo ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na dahilan ang pagtaas ng transport cost sa gitna ng patuloy na oil price increase.
Ayon kay Adriano, numipis din ang supply ng baboy na ngayon ay nasa 9 million heads na lamang kumpara sa 12 million noong hindi pa kumakalat ang African Swine Fever.
Inaasahan anyang tataas pa ang presyo ng karneng baboy sa mga darating na araw habang papalapit ang pasko.
Sa tantsa ng samahang Industriya ng Agrikultura, posibleng pumalo pa sa bente pesos ang itaas ng kada kilo ng baboy sa susunod na linggo. —sa panulat ni Drew Nacino