Tumaas pa ang presyo ng bangus at ilang isda sa mga pamilihan.
Sa blumentritt market sa Maynila, nadagdagan ng P20 ang medium-sized na bangus na dati ay P180 kada kilo, na ngayon ay P200 na.
Mabibili naman ang tilapia sa halagang P 130 kada kilo mula sa dating P100 lamang;
Ang yellowfin tuna ay P260 kada kilo na ngayon mula sa dating P200;
Ang salmon naman na mabibili dati ng P120 hanggang P130 per kilo ay P180 na ngayon;
Makakabili naman ng galunggong sa halagang P200 kada kilo mula sa dating P160.
Samantala sa magsaysay fish market, ang mga ibinebentang malaking bangus ay nasa P150 – P160 per kilo, habang ang malilit naman ay nagkakahalaga ng P110 kada kilo.
Inaasahan namang tataas pa ang presyo ng bangus sa mga susunod na araw.