Tumaas ang presyo ng bangus at ilan pang isda sa mga pamilihan.
Maliban dito, lumiit din ang mga ibinebentang bangus dahil sa epekto ng malamig na panahon.
Sa Blumentritt Market sa Maynila, tumaas ng P20.00 ang medium-sized na bangus na dati ay P180.00 kada kilo, na ngayon ay P200.00 na.
Mabibili naman ang tilapia sa halagang P130.00 kada kilo mula sa dating P100.00 lamang;
Ang yellowfin tuna ay P260.00 kada kilo na ngayon mula sa dating P200.00;
Ang salmon naman na mabibili dati ng P120.00 hanggang P130.00 per kilo ay P180.00 na ngayon;
Makakabili naman ng galunggong sa halagang P200.00 kada kilo mula sa dating P160.00.
Samantala sa Magsaysay Fish Market, ang mga ibinebentang malaking bangus ay nasa P150.00 hanggang P160.00 per kilo, habang ang malilit naman ay nagkakahalaga ng P110.00 kada kilo.
Inaasahan namang sisirit pa ang presyo ng bangus sa mga susunod na araw.