Target ng gobyerno na maibaba sa P70 – P80 kada kilo ang presyo ng bangus sa mga pamilihan.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa, pinag-aaralan na nila ang mga hakbang na kailangang maipatupad para mapataas ang produksyon ng isda sa laguna lake.
Dagdag pa ni Asec. de Mesa, na kahit hindi sakop ng D.A ang lawa ay kumikilos na ito upang mapalago ang produksyon.
Nabatid na ang laguna ang isa sa pinaka-malaking supplier ng isda sa Metro Manila.