Tiwala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na bababa ang presyo ng bangus sa P50 kada kilo.
Ayon kay BFAR Spokesman Nazario Briguera, maaaring bumaba ang presyo nito kung mananatili ang magandang produksyon ng naturang produkto.
Dagdag pa ni Spokesman Briguera, mayroon silang national food stock development program, upang maparami ang bangus at tilapia.
Batay sa pinakahuling tala ng bantay presyo ng department of agriculture, naglalaro sa 150 pesos hanggang P240 ang presyo ng kada kilo ng bangus sa ilang pamilihan sa Metro Manila. – sa panunulat ni Charles Laureta