Muling itinanggi ng DTI o Department of Trade and Industry na sumipa na sa dalawa hanggang anim na Libong Piso ang halaga ng isang sakong bigas sa Marawi City.
Ayon kay DTI Secretary Mon Lopez, personal niyang pinuntahan ang mga lugar na binabanggit sa isang ulat upang tingnan at patunayang hindi totoo ang balita.
Nilibot aniya nito ang mga palengke sa Iligan at Marawi at nakita niyang nananatili sa 27 Pesos ang presyo ng kada kilo ng NFA rice habang naglalaro naman sa 35 hanggang 50 Pesos ang kada kilo ng commercial rice.
Normal aniya ang presyo ng bigas sa nasabing mga lugar sa Mindanao at sumusunod pa sa suggested retail price ang mga groceries sa Iligan City at karatig na mga lugar.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Presyo ng bigas at iba pang mga bilihin sa Mindanao nananatiling normal – DTI was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882