Tumaas ang presyo ng bigas at manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila mahigit limang linggo bago ang Pasko.
Sa Commonwealth at Balintawak Market sa Quezon City, nagtaas ng 50 Pesos kada sako o Piso kada kilo ng wholesale commercial rice.
Ito ang dahilan kaya’t lumipat muna sa nfa rice ang ilang mamimili.
Matapos ang banta ng bird flu, nagtaas din ang presyo ng manok sa mga palengke na naglalaro na sa 140 hanggang 160 Pesos ang kada kilo.
Hindi naman ipinagtaka at ikinagulat ng ilang mamimili ang pagsirit ng presyo ng mga nasabing produkto lalo’t inaasahan na anila ito habang papalapit ang holiday season.