Asahang bababa din ang presyo ng bigas pagsapit ng Nobyembre at disyembre.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, tataas sa mga panahong ito ang supply ng bigas dahil sasabay sa pagdating ng mga inangkat na bigas ng pamahalaan ang anihan naman ng palay ng mga magsasaka.
Samantala, tinukoy naman ni Piñol na nasa mga trader at middleman ang problema kaya’t tumataas ang presyo.
Binigyang diin ni Piñol na hawak kasi ng mga negosyanteng ito ang supply at presyuhan ng bigas.
Rice smuggling
Mayroong batas laban sa smuggling.
Ayon ito kay Rosendo So, Pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG ay kaya’t natawa lamang siya sa pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na isusulong niyang payagan na ang rice smuggling na aniya’y nasa ilalim ng kasong economic sabotage.
Sinabi sa DWIZ ni So na ang dapat inihayag ni Piñol ay kumpiskahin ang mga smuggled rice, ibigay sa DSWD bago ibigay sa taumbayan o kaya naman ay kumpiskahin, ibenta at i-bid bago ibigay sa taumbayan.
“Mukhang hindi nag-aaral ang ating secretary, ‘yun ang problema hindi basta-basta ganun lang at sabihing i-legalize na lang ang smuggling.” Ani So
Judith Larino / (Balitang Todong Lakas)