Inaasahang bababa ang presyo ng bigas sa oras na maging isang ganap na batas rice tariffication bill.
Ito ay pahayag ni Senador Chiz Escudero kasunod ng naging pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na sa oras na maipasa ang rice tariffication ay hindi na makabibili ng murang NFA rice sa merkado.
Ayon kay Escudero, sa sandaling maisabatas ang rice tariffication mabubuksan ang pag-angkat ng bigas kaya’t bababa ang prsyo nito sa merkado.
Kasabay nito, binibigyan din ng patas ng importansya ng naturang panukalang batas ang mga magsasaka dahil pagkakalooban ang mga ito ng subsidiya.
—-