Nagbabala ang isang grupo sa posibleng pagtaas ng presyo ng bigas sa Oktubre.
Ayon kay Rice Watch Group Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, ito ay bunsod ng mababang agricultural output.
Batay sa kanilang monitoring posibleng magbayad sa mga mamimili ang karagdagang tatlo hanggang apat na piso sa presyo ng regular-milled rice sa susunod na buwan.
Bagama’t binigyang-diin ng tagapagsalita na posibleng maiwasan ang naturang price hike kapag agad na umaksyon ang pamahalaan, kabilang na ang pagpapabilis ng pamamahagi ng cash aid sa mga magsasaka ng palay.
Samantala, sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Department of Agriculture (DA) ukol dito.