Patuloy pa rin ang pagtaas sa presyo ng palay at bigas sa magkakasunod na dalawampu’t apat na linggo o anim na buwan.
Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA sa kabila na rin ng pagpasok na ng mga inangkat na murang bigas ng National Food Authority o NFA sa mga merkado sa buong bansa.
Ayon sa PSA, kanila ring naitala ang mas mabilis na pagtaas sa presyo ng mga wholesale at retail na well at regular milled rice.
Anila, tumaas sa 41 pesos at 46 centavos o katumbas ng point 22 percent ang average price ng wholesale well milled rice sa ikatlong linggo ng Hunyo kumpara ito sa 41 pesos at 37 centavos noong naunang linggo.
Habang nasa point 18 percent naman ang itinaas sa average na presyo ng retailed well milled at point 32 percent sa average price ng whole sale at retailed regular milled rice sa loob lamang ng isang linggo.
Samantala, aabot naman point 56 percent ang nakitang pagtaas sa farmgate price ng palay sa loob lamang ng isang linggo.
—-