Pinangangambahang sumirit ng 10 hanggang 20 porsyento ang global price ng bigas sa mga susunod na buwan bunsod ng El Niño phenomenon.
Ayon sa United Nations-Food and Agriculture Organization o UN-FAO, partikular na maaapektuhan ang mga bansa sa Asya at Africa na may malaking konsumo ng bigas.
Nangunguna ang China, na sinundan ng Nigeria, Iran at Pilipinas sa mga bansang may malalaking rice import.
Apektado na ang pagtatanim ng palay dahil sa below-average rainfall sanhi ng El Niño lalo sa mga rice producing country gaya ng India, Thailand at Vietnam kaya’t inaasahang bababa sa 27.2 million metric tonnes ang produksyon ngayong taon.
Kumpara ito sa mahigit 30 milyong metrikong toneladang produksyon ng palay noong 2014.
By Drew Nacino