Isinisi ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa National Food Authority o NFA ang nararanasang pagtaas ng presyo ng bigas ngayon sa bansa.
Ayon kay Piñol sapat ang suplay ng bigas sa bansa ngunit tumaas aniya ang presyo nito dahil sa kakulangan ng NFA rice.
Binigyang diin ni Piñol na dapat na may reserbang bigas ang NFA na pang-labinglima hanggang pang-tatlumpung araw.
Sinabi ni Piñol na sa ngayon kasi ay nasa 1.7 days lang ang buffer stock ng NFA.
Ipinaliwanag naman ni NFA Administrator Jason Aquino, hindi sila makabili sa mga lokal na magsasaka ng mababang presyo ng bigas na P17 kada kilo na nagresulta sa pagnipis ng kanilang reserba.
Gayunman, sinabi ni Aquino na inaasahang darating na ang mga bagong stock sa Hunyo na maaaring magpababa sa presyo ng bigas.
—-