Posible pang bumaba sa P34 hanggang P35 ang presyo ng bigas kada kilo.
Ito ang inaasahan ng National Economic Development Authority (NEDA) dahil sa patuloy na implementasyon ng rice tariffication law.
Ngunit ayon kay NEDA Asst. Sec. Mercedita Sombilla, maaari rin na hindi bumaba ang presyo ng bigas dahil sa posibleng krisis sa Vietnam o Thailand kung saan umaangkat ang Pilipinas.
Hindi rin isinasantabi aniya ng NEDA ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado.
Sa kasalukuyang nasa P36 ang presyo ng kada kilo ng bigas.