Posibleng bumaba ang presyo ng bigas ngayong buwan.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Engineer Rosendo So, maaaring bumaba sa P2.00-P4.00 ang presyo ng kada kilo ng bigas ngayong Pebrero.
Paliwanag ni SINAG President So, ito’y dahil nagsimula na ang anihan ng palay.
Kaugnay nito, sa Marso hanggang Abril ang peak o rurok ng harvest season, kaya naman umaasa si Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa na mas bababa pa ang presyo ng bigas. – – sa panunulat ni Charles Laureta