Asahan na sa susunod na buwan ang pagtaas sa presyo ng bigas bunsod ng walang puknat na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo at abono.
Ayon sa Philippine Rice Research Institute (PHILRICE), hindi malayong tumaas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan dahil nasa P3.13 centavos ang posibleng maging patong sa presyo ng palay.
Nabatid na nasa P19 ang farmgate price ng palay kung isasama ang gastos sa drying, milling, at transportation kung saan, magiging doble ang retail price ng bigas.
Sa naging pahayag ni Outgoing Agriculture Secretary William Dar, dapat ibalik ang NFA rice sa merkado sakaling dagdagan ang budget ng National Food Authority, pero prayoridad parin dapat na maibenta ito sa mga benepisyaryo ng 4PS.